Ipinagtanggol ng action star na si Robin Padilla ang pamangkin nitong si Daniel Padilla mula sa bashers matapos ang panawagan ng huli para sa mga botante ngayong May 9 elections. Umani ng batikos mula sa netizens ang komento ni Daniel tungkol sa mga hindi nakapagparehistro sa parating na eleksyon ngunit nagpapahayag ng kanilang opinyon tungkol sa mga sinusuportahan nilang kandidato. Sabi ni Daniel, “Bago tayo mag-act o sabihin, make sure natin na alam natin yung sinasabi natin. “Huwag din tayong masyadong matapang. Make sure alam din natin at kaya nating i-back up yung sinasabi natin. “Hindi naman tayo puwedeng salita nang salita and di mo naman alam ang nangyayari sa eleksyon. “Marami kasing nagmamagaling sa eleksyon, hindi naman botante, di ba? So, shut up ka, hindi ka naman botante.”
Read: Daniel Padilla: 'Tingin ko kay Kuya Mar, parang martir.'
Sa Instagram, nakiusap si Robin sa mga netizen na huwag ibuntong ang kanilang galit kay Daniel dahil 'diversionary tactics' umano ito ng Magdalo upang maalis ang atensiyon sa viral anti-Duterte ad ni vice-presidential candidate Antonio Trillanes IV. Read: Robin Padilla, Vivian Velez, Oyo Sotto condemn use of minors in anti-Duterte ad Pahayag ni Robin tungkol kay Daniel, “Ang batang ito ay mabuting anak sa kanyang tatay lalo sa kanyang INA. Ang batang ito ay mapagbigay sa kanyang mga kapatid sa ina at ama. “Ang batang ito ay malambing na APO sa lahat ng kanyang mga Lola at Lolo. Ang batang ito ay magalang na pamangkin sa lahat ng kanyang mga Tito at Tita. “Ang batang ito ay mapagmahal sa kanyang mga pinsan at kamag-anak. Ang batang ito ay tapat sa kanyang mga kaibigan. “Ang batang ito ay alipin ng kanyang mga tagahanga. Ang batang ito ay simbolo ng bawat nating pagkamulat.” Patuloy niya, “Paumanhin sa lahat ng kanyang nasaktan. Hinihingi ko ang suporta ng aking mga kapanalig, sana wag sakyan ang diversionary tactics ng Magdalo at alisin natin ang atensiyon kay Trillanes. “Si Antonio TRILLANES ang kalaban hindi ang batang ito... Arbor ko na ang pamangkin ko na anak ng aking kapatid na si Kuya rommel na Apo ng aking Ina na si Mama Eva. “Mabuhay ang tunay na pagbabago #duterteparapresidente #arborkosidaniel” Read more at http://www.pep.ph/electionwatch2016/news/245/robin-padilla-makes-plea-on-behalf-of-nephew-daniel-padilla#F4ARI22FiXAXZ1tT.99
Parehong aktibo sina Robin at Daniel sa pag-endorso ng kani-kanilang presidential bets para sa parating na eleksyon. Ang Liberal Party (LP) candidate na si Mar Roxas ang ineendorso ni Daniel habang ang Davao City Mayor na si Rodrigo Duterte para sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-LABAN) naman ang sinusuportahan ni Robin.
Source:www.pep.ph/
CONVERSATION